Step by step. How to apply for a Student's Drivers License in the Philippines 2023

 Here are the steps on how to apply for a student driver's license in the Philippines: 1. Check the requirements. The requirements for a student driver's license may vary depending on the Land Transportation Office (LTO) office where you will apply. However, the basic requirements are as follows: -Original and photocopy of your valid ID (e.g., passport, driver's license, or voter's ID) -Medical certificate from an LTO-accredited clinic -Application for Driver's License (ADL) form -Proof of payment of application fee (₱317.63) -Certificate of completion of a theoretical driving course (TDC) 2.Take the TDC. The TDC is a 15-hour course that teaches you the basic knowledge of driving. You can take the TDC at any LTO-accredited driving school or at the LTO Driver's Education Center. 3. Apply for the student driver's license. You can apply for a student driver's license at any LTO office. Bring the required documents and pay the application fee. 4. Take your b...

Paano kumuha ng Non-Pro Drivers License sa LTO Biñan 2019

Requirements:
Student Permit plus yung Official Receipt
Medical Certificate P500

Requirements kung nawala ang resibo mo ng Student Permit o hindi mo dala:
Affidavit of Loss - P200
Xerox ID 2 Copies: P6
Duplicate OR - P217.63
Medical Certificate: P500

Eto ulit ang location nung LTO sa Biñan: kung galing ka Santa Rosa kapag nakita mo na yung Yang Chow pumara ka na o bumaba ka na ng sasakyan.


Eto na ang istorya. Pagkababa ko ng LTO Biñan, sinalubong na agad ako ng fixer, ang sigaw ay "dito ka muna at di ka papapasukin kasi wala kang form" ang sabi ko sa loob na lang ako kukuha, ajaja!

Pagpasok ko, humingi ako ng form sa guard at nagfillup ako doon, tapos pinalabas ako ng guard at tinuro ako dun sa medical na office at dun na lang ako magfillup kasi ang dami din daw nakapila dun. Kaya lumabas ako at pumasok dun sa "MEDICAL" literal na yan ang pangalan nung office na yun. Humingi din ako ng form para sa medical exam at binigyan ako ng Form at isang maliit na card para sa blood typing. Dagli akong tinuro sa cashier, nakalagay dun P400 lang medical pero magugulat ka at P500 ang sisingilin sayo, yun pala hiwalay pa ang fee para dun sa blood typing service.

Nung binasa ko yung mga ilalagay sa form, naisip ko sana dun na lang ako sa fixer natakot ako dun sa mga nakapaskil na notice sa loob, nakalagay na kapag di ka nagsabi ng totoo tungkol sa medical condition mo ay may fine na P20,000. Nag-isip ako ng matagal kung tutuloy ako o hindi, and decided na dito na lang para malaman ko rin lagay ng health ko. So pagkafill-up ko, pumunta ako dun sa maliit na cubicle kung saan kukunan ka ng dugo para malaman ang blood type mo. Then pipila ka na para sa medical exam. Hays! Grabe ang haba ng pila sobrang tagal compare dun sa medical ng fixers na saglit lang. Umabot ako ng 1 oras kakaantay, pero yung procedure mabilis lang, iilawan ang mga mata mo, pababasahin ka, kukunan ka ng blood pressure then interview konti, then tapos na, papupuntahin ka na sa loob ng LTO pagkabigay ng Medical Certificate.

Dala ang Medical Certificate at yung Drivers License Form, pumunta ako ng Table para ipasa, ang sabi sa akin nung teenager asan daw yung resibo ng student permit, ang sabi ko "ay hindi ko dala, hindi naman kasi sinabi na dalhin eh! saka meron naman diyan na receipt number makikita naman yan sa computer kung nagbayad ako o hindi. Ang sagot "may database naman po kami pero need po talaga ng resibo, kuha na lang po kayo ng affidavit of loss dun sa notary sa labas para makapagpaduplicate po tayo". Kaysa naman sa umuwi pa ako at maghanap, sinunod ko na lang. Ang sinasabi lang ng isip ko na hindi ko matanggap, bakit ganun! anu yun modus? pede naman makita pala sa computer kung nagbayad ka bakit need pa talaga yung actual na resibo, grabe!

Anyway, nagpunta ako dun sa notary office sa labas nagpagawa ako ng Affidavit of Loss. Nagpaxerox ng 2 copies ng valid ID, P6 pesos. Tapos nagbayad ako ng P200. Gastos!

Ngayung, may Affidavit of Loss na ako, at yung iba pang requirements, bumalik na ako sa table 1, binigyan ako ng number sa Window 7 para bayaran naman yung duplicate. P217.63 yun. Pagkabayad ko, itinuro ako dun sa tapat ng kubo para antayin yung copy ng resibo. Pagkakuha ko, Table 1 ulit ako. Pagkapasa ko sa Table 1, binigyan ulit ako ng number, this time dun na sa loob sa Window 5 na, makikita mo sa monitor dun sa loob kung ikaw na susunod, at tinatawag din naman kasi may mga microphone yung mga nakapwesto dun. Kukunan ka ng picture sa Window 5, tapos Windows 7 naman magbabayad ka for Application fee na, P167.63. Tapos ituturo ka dun sa labas sa examination room, dun yun sa tabi ng comfort room, pasok ka dun, bigay mo yung dala mong papel, kung gusto mo, magtanung ka dun sa guard na nandun yung nagrerelease ng license, para malaman mo kung saan.

Pagpasok mo dun sa examination room, bigay mo yung papel na hawak mo, at bibigyan ka ng examination paper, tatanungin ka nila kung ano gusto mong language sa exam Tagalog ba o English.
Ang pinili ko tagalog yun ang nireview ko eh! ajaja! Need mo magreview kung hindi baka ka bumagsak. Kasi hindi naman naatend ng seminar ang mga nakuha, kaya kadalasan doon mo lang malalaman ang mga di mo pa nalalaman. Sasagutan mo yung isang papel lang, iitiman mo yung bilog parang naboto ka. Pero pwede mo naman sulatan yung questionaire bago mo ilipat dun sa answer sheet. After ko masagutan, pinasa ko na dun sa nagbigay ng exam, pinabasa niya ako ng talata na nakadisplay dun sa mesa, na para bang ako ay nangangako, yep ganun! Then, pinasa yung papel ko sa katabi para macheck ang mga sagot, automated ang checking kaya bale wala pala yung nilagyan ko ng ekis na bilog, ang sabi nung lalaki "30 po ang passing score sir, makikita nyo po ang result." Ang lumabas na score ko 31, sabi nung lalake "Pasado po kayo Sir"! sa isip ko "YES pasado!" ajaja!
Actual Driving Exam naman susunod.

Pinapunta ako dun sa kubo, pinasa ko yung hawak kong papel tapos pinapirma ako, at itinuro dun sa AtoZ Driving School, doon nagbayad ako ng P250 para ata dun sa kotse na gagamitin. Binigay ko resibo dun sa kubo, tapos tinuro na ako dun sa examiner na nasa labas. Tinanung ako ng examiner kung anung sasakyan daw, sabi ko automatic lang, kaya binilugan nya yung number 4 dun sa papel. Tapos pinasakay na ako sa kotse, medyo sira na yung kotse kasi sira na yung pintuan. Pinadrive ako sa maliit na driving course, medyo malikot daw ako sa manibela pero pinasa naman ko. Tapos nun, punta ulit ako sa loob, Window 7 ulit, last na bayad na para dun sa license na. P652.63. Then last window na, Window 8 para sa encoding and printing ng ID, medyo matagal kaya kumain muna ako ng tanghalian. Pagbalik ko meron pang 16 na pila bago ako. Pinapapila pa nung guard pero tinatawag naman yung pangalan akaya useless din ang pila. May 3 monitor dun sa harap, at sa harap pa nun may karatula kung ano gagawin mo pagtinawag ka na, papacheck sayo yung info mo, tapos kukunan ka ng finger prints at papipirmahin, after nun pupupuntahin ka na dun sa releasing sa tapat ng kubo. Aantayin mo lang tawagin ka nung guard para makuha mo yung license mo, at pipirma ka sa logbook patunay na nakuha mo na. After non tapos na! Uwian na! Yes! May license na ako! ajaja!

Umalis ako 7:30am, dumating ako 8:00am, natapos ako 2:10pm. Yes ganyan po katagal grabe! Kung nalimutan mong dalhin ang iyong resibo. Mas maaga pa syempre jan kung dala mo lahat ng requirements.

Eto na ang total na gastusin:

Medical Exam : P500
Affidavit of Loss: P200
OR Duplicate: P217.63
AtoZ Driving School : P250
License: P820.26
Xerox: P6

Total Expenses: P1,987.89

eto pa gastos din:
Pamasahe: P30 balikan
HBW Ballpen kung wala ka dala: P20 isa dun sa MEDICAL office may tinda, tubong lugaw P6 lang yun eh!
Lunch: P60 porksilog

Tips: Need magdala ng P2,500, kung wala ka dala resibo,
wag kalimutan resibo importante yun para menos gastos.

--------------------------------------------------------------------------------








Comments

Popular posts from this blog

[2018] Paano kumuha ng Police Clearance sa Santa Rosa Laguna, Magkano at Gaano Katagal? 8

[2018] Paano Kumuha ng NBI Clearance sa Santa Rosa City Laguna, Magkano at Gaano Katagal

Paano Kumuha ng Student Permit License sa LTO Biñan : Requirements 2019