Step by step. How to apply for a Student's Drivers License in the Philippines 2023

 Here are the steps on how to apply for a student driver's license in the Philippines: 1. Check the requirements. The requirements for a student driver's license may vary depending on the Land Transportation Office (LTO) office where you will apply. However, the basic requirements are as follows: -Original and photocopy of your valid ID (e.g., passport, driver's license, or voter's ID) -Medical certificate from an LTO-accredited clinic -Application for Driver's License (ADL) form -Proof of payment of application fee (₱317.63) -Certificate of completion of a theoretical driving course (TDC) 2.Take the TDC. The TDC is a 15-hour course that teaches you the basic knowledge of driving. You can take the TDC at any LTO-accredited driving school or at the LTO Driver's Education Center. 3. Apply for the student driver's license. You can apply for a student driver's license at any LTO office. Bring the required documents and pay the application fee. 4. Take your b...

[2018] Paano kumuha ng Police Clearance sa Santa Rosa Laguna, Magkano at Gaano Katagal? 8

Paano kumuha ng Police Clearance sa Santa Rosa City. Laguna at magkano.

Ang Police Clearance ay isa sa mga kadalasang hinihinging requirements kapag nagaapply ka ng trabaho abroad man o lokal.

Police Clearance Requirements:
Cedula - Php40
Baranggay Clearance
Police Clearance Form
Official Receipt ng Police Clearance

Para makakuha ng Police Clearance, pumunta lamang sa City Hall dala ang inyong Baranggay Clearance. Magtanung sa information desk saan kumukuha ng cedula para sigurado, kasi minsan nalipat ng pwesto kung saan nakuha ng form.

Ang form nila ay scratch paper lamang na pinunit, doon mo isusulat ang information na kanilang kailangan, mayroon doong poster ng mga detalye na iyong isusulat sa papel, ito ang iaaabot mo sa cashier window kasama ng iyong Baranggay Clearance. Sabihin mo kukuha ka ng Official Receipt ng Police Clearance at Cedula. Papipirmahin ka doon sa cedula at magbabayad ka ng halagang P40.00
Lalagyan nila ng stapler yun para magkasama clearance cedula at yung resibo o Official Receipt.

Pupunta ka ngayon sa Police Station, pero hindi sa mismong Police Station, kundi sa conference building, malapit sa police station. may makikita ka namang sign dun nakalagay Police Clearance may arrow na pula doon sa gilid ng building. Pumasok ka doon at doon sa tindahan sa loob andun ang Police Clearance form, punan mo yun ng iyong detalye at isama doon sa iyong OR, Cedula at Brgy. Clearance. Pumasok ka doon sa conference room kung saan makikita mo mga nagaantay na nakuha din ng Police Clearance. May tatlong clerk doon sa harapan, sa tabi nila may box dun, doon mo ilalagay ang iyong Police Clearance requirements. pero magtanung ka pa din baka kasi baguhin nila lagayan. Kukunin ng clerk yun o encoder at tatawagin pangalan mo, kapag tinawag ka na iveverify muna kung sino ka, tapos pauupuin ka para kunan ka ng litrato, pagkakuha ng litrato kukunan ka naman ng finger print sa sampung daliri mo. Pagkatapos nun, anantayin mo na lang na tawagin ulit pangalan mo para kunin ang Police Clearance mo. Tumatagal ng 1 oras ang aantayin mo bago mo makuha. 

-------------------------------------------------------------------------------------

Comments

  1. Pwed po b ung police clerance gamitin na requarments sa pag kuha ng NBI clerance

    ReplyDelete
  2. Bakit wala nakalagay kung magkano sinisingil nila para mkuha yung police clearance? Kase pagpunta sa city hall may bbyaran na 80 tas pag punta sa police station magbbyad ulit ng 150? Bat ganun andami bnbyran?

    ReplyDelete
  3. Pwede po bang kukuha ulit?kase nawawala po eh

    ReplyDelete
  4. paano po makakakuha online ng police clearance irrenew ku pu kse ...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

[2018] Paano Kumuha ng NBI Clearance sa Santa Rosa City Laguna, Magkano at Gaano Katagal

Paano Kumuha ng Student Permit License sa LTO Biñan : Requirements 2019