Step by step. How to apply for a Student's Drivers License in the Philippines 2023

 Here are the steps on how to apply for a student driver's license in the Philippines: 1. Check the requirements. The requirements for a student driver's license may vary depending on the Land Transportation Office (LTO) office where you will apply. However, the basic requirements are as follows: -Original and photocopy of your valid ID (e.g., passport, driver's license, or voter's ID) -Medical certificate from an LTO-accredited clinic -Application for Driver's License (ADL) form -Proof of payment of application fee (₱317.63) -Certificate of completion of a theoretical driving course (TDC) 2.Take the TDC. The TDC is a 15-hour course that teaches you the basic knowledge of driving. You can take the TDC at any LTO-accredited driving school or at the LTO Driver's Education Center. 3. Apply for the student driver's license. You can apply for a student driver's license at any LTO office. Bring the required documents and pay the application fee. 4. Take your b...

Paano Kumuha ng Student Permit License sa LTO Biñan : Requirements 2019

Requirements:
1. 18 Years old pataas.
2. Physically and Mentally Fit, meaning malusog ang pangangatawan mo.
3. Marunong kang bumasa.

Documents:
1. Application Form - hingi ka sa guard dun sa entrance.
2. Original ang Photocopy ng PSA Birth Certificate mo.
3. Medical Certificate. P350-P500 depende sa clinic.

Eto itsura ng location, yan ang makikita sa main road. Papasok pa kayo dun sa may dulo nandun ang office, madali naman makita kapag andun na kayo, may mga signs naman.


Pagdating nyo sa LTO haharangin kaagad kayo ng mga fixer, sa aking experience nabiktima ako nun, pero ok lang kasi hanggang dun lang ako sa medical, ang binayaran ko P350 nung time na yun, baka nagtaas na sila ngayung 2019. Wag ka papapilit sa fixer kasi mas matagal ang proseso nun at syempre mas mahal. Madalas kasi wala ka pang medical certificate. Dun sa fixer medyo mabilis ang medical wala pang 15 mins yun, kukunan ka lang ng blood pressure at pababasahin sa snellen chart. Kapag dun ka nagpamedical sa malapit dun sa office P500 ang fee nun, kukunan kayo ng dugo,blood pressure at pababasahin sa snellen chart, ang haba ng pila dun uubos ka ng 1 oras, pero mas ok naman ang medical dun. Bahala na kayo kung saan kayo magpapamedical, ang importante kasi may dala kayong Medical Certificate kasi isa yun sa mga requirements.

Kapag may Medical Certificate ka na, pasok ka na sa office hingi ka ng form dun sa guard. Punan mo ng mga detalye mo tapos punta ka ng table 1, ibigay mo yung mga dala mong requirements at kung ok bibigyan ka ng number at kung saang window ka pipila.

Table 1 muna, dun lagi ang umpisa. Sa loob may mga monitor dun na makikita mo yung mga number ng ticket, dahil student license kinukuha mo, ang unang letra ng bilang mo ay S ibig sabihin student, kung renew R yun etc. Tapos ang tatandaan mo para di ka mahirapan, magbabayad ka lagi sa Window 7 dahil doon ang cashier, yung Window 5 para sa picture mo. Kada Window na dadaanan mo lagi naman nilang sasabihin sayo kung saaang window ka mag-aantay. Ang mahirap lang jan ay maarte yung nasa Window 7 matanda na kasi, lagi na lang tinuturo yung nakapaskil na papel sa salamin kung saan ka pupunta. Hanggang sa ang pagtapusan mo ay yung Guard na nagrerelease ng license dun sa tapat ng kubo sa labas. Walang noon break. Mga 3 oras lang tinagal ko nung kumuha ako.

Price ng Student Permit: P317.63
Medical: P500
Total na gastos: P817.63


-----------------------------------------------------------------------------------

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

[2018] Paano kumuha ng Police Clearance sa Santa Rosa Laguna, Magkano at Gaano Katagal? 8

[2018] Paano Kumuha ng NBI Clearance sa Santa Rosa City Laguna, Magkano at Gaano Katagal