Paano Kumuha ng NBI Clearance sa Santa Rosa City Laguna, Magkano at Gaano Katagal
Paano kumuha ng NBI Clearance ang mga walk-in Applicants.
Requirements:
ID
Application Form
Old NBI Clearance kung meron
Php190
Pumunta lamang sa NBI Santa Rosa, sa bandang gilid yun, kung saan ka nakakakita ng maraming tao na nagsusulat sa papel yun na yun, wag ding mahiyang magtanong para sure ka at di masayang oras mo.
Doon sa lugar na iyon dumiretso ka sa loob para humingi ng form, sa pagkuha ng form may bayad na agad yun na P190.00. Pupunan mo yun ng iyong detalye dapat kumpleto kasi hindi maeencode sa computer kapag kulang at siyempre dapat tamang impormasyon din.
Mayroong nag-aassist doon na nakaupo sa desk, ipapakita mo doon ang napunan mong form at isang ID ichecheck nya yun kung may kulang ka sa form o mali. Susulatan niya yun kung saang clerk number mo ibibigay ang form. Tatawagin ng clerk ang name mo at tatanungin ka kung may dati ka na bang may NBI clearance, kung meron ipakita mo, kung wala sabihin mo wala. Mayroon silang walong clerk pero hindi lahat yun nagana minsan, kasi yung iba naassign sa ibang gawain.. Infairness mabibilis magencode ang mga nakaupo doon kaya saglit ka lang doon. Iveverify mo yung inencode nila kung tama, tapos bibigyan ka ng papel na susulatan mo ng pangalan mo para makapagpapicture ka at biometrics may kasama na rin yung libreng envelope. Ituturo ka kung saan ka magpapapicture, diretso tapos kanan, doon mo makikita ang mahabang paikot na pila, may nag-aayos ng pila doon pero kung wala, tanungin mo sa mga nakapila kung saan ang dulo ng pila.
Mayroong apat na window na nakuha ng photo at biometrics doon sa likod ng pila, isa lang linya ang pila pero pagmalapit ka na nahahati na yun sa apat, pwedeng mapalagay ka sa A, B, C o D na window. Kung nagonline appointment ka pipila ka pa rin dalhin mo yung form mo. Sa mga PWD at Senior may express siyempre. Kapag ikaw na susunod, kukunan ka ng picture tapos fingerprint ulit lahat ng daliri ng kamay mo at pipirma ka digitally. Pagkatapos nun, bibigyan ka ng papel na may date, kapag ang nakalagay na date issue ay same date ibig sabihin makukuha mo agad yung NBI Clearance mo same day, doon ka lang sa releasing area magantay na tawagin pangalan mo. Kung ang nakita mong date na nakatatak ay ibang date, ibig sabihin ay hindi makukuha nung mismong araw na yun ang NBI Clearance mo, kundi babalikan mo yun sa date na nakasaad doon sa papel kadalasan ay 2 weeks. Umuwi ka na at wag ka na magantay kapag ganun.
Nakatayo ka sa pila doon, medyo nakakangawit din yun, kasi aabutin ka ng 1 oras at kalahati na nakapila, habang lumalapit ka may mga upuan na doon makakapagpahinga ka pa rin naman ng paa mo kahit saglit kasi pagkatapos noon tatayo ka ulit pagmalapit na sa A, B, C D na pilahan.
--------------------------------------------------------------------
Anong oras ang bukas
ReplyDelete8am
DeleteOk lang po ba kahit Di ka legit na taga rioto po sa Laguna pwedi po makakuha ng NBI clearance? Or Kung San ka mismo Lugar nakatira dun ka po dapat kumuha ng NBI clearance? Maraming salamat po sa pag sagot. First time ku po kasi kukuha ng ganyan.
ReplyDeletekahit taga saan ka pwede. hindi naman lahat ng lugar may kukunan ng NBI clearance.
DeleteHanngang anung oras po sa nbi sta rosa
ReplyDeletekung student pa po ang kukuha na 18 yrs old n..ok lng po b n school id lng ang i present...since wala pa po syang ibang id at kaka 18 nya p lng
ReplyDeleteSa pagkuha po NG NBI Visa seaman ano po po ang mga requirements?
ReplyDeleteAno po office hours nyo, bukas po by weekends? what time po if ever?
ReplyDelete.. Good day poh.. Ngaun poh 2019 how much n poh un nbi s sta Rosa?? Thank you and God bless
ReplyDeleteNeed ko po ba magdla ng police clearance kahit po for renewal lng ako?
ReplyDeletesir/mam hanggang anung oras kau nag cclose? nag online na ksi renewal sana mkkuha ko dn ba ngaun un?
ReplyDeletePaano po pag nawala na dati kong nbi kukuha pa po bha ako bago
ReplyDeleteOpen po b ang nbi sa Dec 27?
ReplyDeleteOpen po b ang nbi sa Dec 27
ReplyDeleteNag online po kase ako, tapos ang nakalagay po sa akin for pick up na po .. tapos nadetect po na may kapangalan ako .. sumailalim na din po ako sa biometrics at nakuhaan ng picture at finger print .. e pinababalik po ako ng January 13 .. ano po ba yun for releasing na po ba ?
ReplyDeletePwede po bang tin I.d lng ang dahlin
ReplyDeleteHanggang ngayun po ba ganun parin ang proseso?
ReplyDeleteSame lng dn b yan s nbi sa rob sta rosa??
ReplyDeleteBukas na po ba ang nbi ng santa rosa now ??
ReplyDeleteBukas poh ba ngaun nbi slmt poh
ReplyDeleteAsk ko lang po pwede pa din po ba makuha ang nbi sa ibang araw kahit ngayon po ang schedule ko? Online po ako
ReplyDeleteBukas po ba ang office ng nbi sta.rosa ngayon mag renew po sana ako
ReplyDeleteGood day po. Tanong ko lng po kung open ang nbi ngaung araw na ito or tomorrow? Mag re renew lng po aku ng nbi clearance? Thank you po.
ReplyDeleteOpen po ba kayo ng hapon
ReplyDelete